Narito ang mga nangungunang balita ngayong Miyerkules, APRIL 10, 2024
- LTFRB, iniimbestigahan ang viral video ng bus driver na abala sa isang mobile game habang nagmamaneho
- MMDA: Pagdaan sa busway ang dahilan ng pagtiket sa convoy ni Singson; sakop na ng LTO ang tungkol sa kawalan ng rehistro at pagkakaroon ng blinkers | Paliwanag ni Singson, bago lang ang sasakyan kaya hindi pa nakarehistro
- Drag queen na si Taylor Sheesh, tila hinampas sa leeg habang nag-pe-perform; lalaking nanakit, arestado
- MMDA: Bilang ng mga motoristang dumaraan sa EDSA busway, bumaba na | Sabi ng ilang konduktor at bus driver, may mga dumaraan pa ring pasaway na motorista sa EDSA busway tuwing walang bantay
- Eid'l Fitr, ipinagdiwang ng mga muslim sa Quirino Grandstand | Ilang OFW, nagtungo muna sa Quirino Grandstand bago mangibang-bansa | Wudu o paghuhugas ng kamay, bibig, ilong, mukha, buhok, at paa, isinagawa bago ang morning prayer
- 9-anyos na lalaki, nabanlian ng mainit na tubig dahil sa nasirang hot compress; ospital, sinampahan ng reklamo
- Boy Abunda, ibinahagi ang mga aral ng kaniyang buhay sa Mindanao leg ng "GMA Masterclass: The Conversation Series" | Kahalagahan ng mental health awareness, tinalakay rin
- Pagkaing inspired ng Filipino at iba't ibang international cuisine, tampok sa isang restaurant sa Taguig
- Phl weightlifters Vanessa Sarno, John Ceniza, at Elreen Ando, balik-Pilipinas na matapos ang tagumpay sa 2024 IWF Weightlifting World Cup
- UH Barkada at iba pang GMA Integrated News anchors, tampok sa "kuritcature" ng isang artist